JULIE "Sis okay na, malayo na si Dani, pwede ka ng magmulat." Natatawang bulong sakin ni Krissa. Unti-unti ko namang iminulat yung mga mata ko. Ugh! Kilalang-kilala talaga ko nitong bestfriend kong 'to. "H-ha?" painosenteng tanong ko. "Hoy sis, kumita na yang himatay-himatayan na yan. At hindi hindi ka naman hinihimatay no! Kaya alam kong umaarte ka lang! Kaloka ka, pasalamat ka nasalo kita, kung nde, baka bumagsak ka kanina sa sahig!" "Eh kase sis-" "Alam ko, kahit ako nga napatulala kay Danielle kanina. Grabe, mas gumanda sya ngayon no? Pag inlove talaga gumaganda" "Inlove?" "Ay sus, hindi mo ba narinig si Jobs kanina? Diba nga yung bagong player na papasok yung fiancée nung anak ni Mr. Tan, sino lang ba yung kakapasok lang na player sa team?" Bigla naman akong napaupo sa sinabi