JULIE “Sis ha, ang aga-aga nambubulabog ka! Siguraduhin mong importante yang sasabihin mo ha!” inis na sabi sakin ni Krissa nang pagbuksan nya ko ng pinto. 4am pa lang kase. Gusto ko kasing pumunta sa palengke and mamili ng mga kakailangan ko para mamaya. Ilang araw ko din kasing pinagplanuhan to, gusto ko, maging memorable yung 1st monthsary namin. Yeah yeah, hindi naman talaga uso yan, pero bakit ba, gusto ko eh, gusto kong icelebrate yung unang month namin ng Dani ko. Gusto kong maging masaya sya sakin para hindi nya maisipan na palitan ako. Gusto ko ako lang yung nakikita nya. Uh, mukhang lumalayo na tayo sa usapan, nagiging corny na ko. “Uh, sis, magpapasama kase kong mamalengke sayo eh” nakangiting sagot ko naman kay Krissa. “Ano?! Mamalengke? Ginising mo ko ng sobrang aga para m