DANIELLE “Good Morning!” hindi ko alam pero ang ganda-ganda ng gising ko ngayon. Parang feeling ko, may magandang mangyayari. Hmmm, at isa pa pala, 1month na kami ni Jules ngayon. Parang ang bilis lang nga ng panahon eh. Oh well, sabi nga nila, hindi mo mamamalayan yung oras at araw basta kasama mo yung taong mahal mo. Ang corny no? Pero yun yung totoo. Naalala ko pa unang beses na nagkita ulit kami ni Jules after nung paghalik ko sa kanya noon. Nung araw na pinatira sya ng Mama nya sa bahay namin. Gustung-gusto ko syang yakapin non pero nung nakita ko yung galit sa mga mata nya, pinigilan ko yung sarili ko. At dahil alam ko na napipilitan lang sya na pakisamahan ako, naging cold din ako at mataray sa kanya. Sinabihan ko pa nga sya non na lumayas sa bahay pero hindi nya ginawa. Yun nama