DANIELLE “O tapos maglalasing at magmumukmok ka dito sa bar ko” naiiling na sabi sakin ni JR. “Anong gusto mong gawin? Panoorin yung pagbabalikan nila? Nah, wag na lang, masstress lang ako bro” nakangiting sabi ko sa kanya. Nung tinanong ko kanina si Julie, akala ko sasabihin nya na nakamove-on na sya at hindi na nya mahal si Makmak. Pero iba yung nangyari kanina, nung nakita kong umiyak sya, naramdaman ko na hindi pa rin, at may nararamdaman pa rin sya para sa pinsan ko. “Papano ka naman nakasiguradong magkakabalikan sila?” “Tinanong ko kanina si Jules kung..kung mahal pa nya si Makmak” “Tapos?” “Umiyak sya” “At sinabi nyang mahal pa nya si Marky?” Umiling naman ako. “Nah, pero kailangan pa bang sumagot eh obvious naman na maha