JULIE "Boo!" bigla akong napabalikwas nang maramdaman yung labi nya sa mga tenga ko. Galit na tiningnan ko naman yung tatawa-tawang halimaw sa tabi ko. Hala sige tawa pa! Bwisit na halimaw to, gustung-gusto nya talagang ginagawa sakin to. Ok na sana, ang sweet na nya kagabi eh, kaso bumalik na naman yung pagiging halimaw nya ngayong umaga. "Ano na naman bang problema mo halimaw?!" inis na tanong ko sa kanya. "Kanina pa kasi kita ginigising, kaso tulog mantika ka. Kung alam ko lang na yun lang pala yung makakapagpagising sayo, sana kanina ko pa ginawa" "Ano bang kailangan mo?!" "Wow ha, baka nakakalimutan mong assistant lang kita at ako yung amo mo. Siguro naman may karapatan akong gisingin ka dahil kailangan mo kong samahan sa training namin mamaya diba?" "Pero dapat ginising mo ko