JULIE “JULES! JULES! JULES!” narinig kong sigaw ni dalandan. Ay sus, ano na naman kayang nangyayari don. Ok naman sya nung ginising ko at inihatid sa kwarto nya kagabi. Nakasmile pa nga sya eh. Oh well sana lang hindi nya narinig yung binulong ko sa kanya dahil baka mas magtake-advantage sya pag nalaman nyang mahal ko sya. Agad ko syang pinuntahan sa kwarto nya, napailing ako nang makitang nagpupumilit syang tumayo pero hindi nya maigalaw yung mga paa nya. “Diba sabi naman sayo nung doctor, ngayon sasakit yang paa mo. Kaya nga sabi nya magpahinga ka lang ngayong araw diba?” “No! Hindi pwede, may practice kami ngayon” “O tapos?” “Kailangan kong umattend, lagot ako kay coach pag nagkataon” “Dani, yung coach mo nga yung nagbilin sakin na sabihin sayo na wag ka nang umattend ng practice