DANIELLE “Jules, may nagtext sayo!” “Pakibasa na lang ng malakas!” napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Aba, at inutusan pa ko ng babaeng yon ha! Kahit kelan, never akong inutusan ng parents ko, pero sya kung makautos wagas ha! Pero syempre, dahil mahal ko sya, sinunod ko yung utos nya. “Si Krissa! Manood ka daw ng game nila bukas! May laban daw sila sa Cagayan!” basa ko sa text sa kanya. Oo nga pala, laban na nila bukas, tapos kami naman sa isang araw. Buti na lang talaga at medyo ok na yung pilay ko dahil hindi pwedeng hindi ako makapaglaro sa match namin laban sa air force. Ang tanga kasi ng paa ko eh, mali ng landing sa floor. Tsk! “Ok, mamaya ko na lang sya rereplyan” narinig kong sabi nito. Dapat lang! Alangan namang utusan pa nya ko na replyan yung kaibigan nyo no! Ib