JULIE “Hi, kanina ka pa?” narinig kong tanong sakin ni Marky. Yeah, sya yung sinabi ko kay Dani na kailangan kong kausapin. Hindi ko naman dapat sya sisiputin ngayon kaso nakakainis kasi yung dalandan na yun eh! Hindi ba nya alam na pinag-effortan ko talagang iluto yung kaldereta para sa kanya. Kahit nakakahiya, tinanong ko yung kapatid nya kung ano yung paborito nyang ulam. Tapos ganun lang yung gagawin nya? Dededmahin nya lang at ipagpapalit sa siopao na pusa naman yung nasa loob?! At ni hindi man lang ako pinigilan nung umalis ako ha, bumabalik na naman sya sa pagiging halimaw nya, tsk! “Julie?” bigla naman akong natauhan ng tawagin ako ni Marky. “Huh?” “Tinanong ko kase kung kanina ka pa pero hindi ka sumagot. Nakatulala ka lang dyan.” “Oh, sorry may iniisip lang ako” “Andito n