Chapter 17

2369 Words

JULIE “Seryoso ka dyan sis?!!” hindi makapaniwalang tanong ni Krissa. Yeah, nakwento ko nga sa kanya yung nangyari kagabi kaya eto, hindi sya makapaniwala na kaming dalawa na nga ni Danielle. Oh well, sino ba naman kasing maniniwala? Unang-una, pareho kaming babae, at pareho kaming straight ( yata), pangalawa, pareho kaming nagkaron ng boyfriend, at pangatlo, alam nitong si Krissa kung gano kalaki yung galit namin ni Danielle sa isa’t-isa. Kaya naiintindihan ko naman yung OA na reaction ng bestfriend ko. “Mukha ba kong nagbibiro? At tingin mo gagawin kong biro yung ganyang issue?” seryosong sabi ko sa kanya. “Pero nung huli tayong mag-usap, sabi mo gusto mong gamitin si RJ para maghiganti kay Danielle diba? Anayare? Bakit biglang naging kayo? Ano to kasama sa plano mo?” tanong pa nya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD