Matapos kon maligo sa banyo ay kaagad na akong lumabas at nagpaalam kay Kat. Nagpapasalamat ako dahil hindi pa nagigising si Grego. Paglabas ko ng suite room ay napansin ko ang mga nurse na nakatingin sa akin. May nararamdaman akong kakaiba sa mga tingin nila. Tila ako ang pinag-uusapan nila bago pa man nila ako nakitang lumabas. Malakas ang pakiramdam ko na ako ang pulutan nang usapan dahil siguro sa nangyaring eskandalo noong nakaraang linggo. Ang akala talaga ng hospital ay ako ang asawa at si Faith ang kabit. Gayong hindi naman lingid sa kaalaman ng ibang nurse na nakakakita sa akin na hinahatid ako ni Rio sa tuwing nagkikita kami. Hindi ko na lang pinansin pa dahil wala rin naman akong mapapala. Basta't alam ko na wala akong ginagawang masama at hindi ako nanghahamak ng