Lahat kami ay nagulat sa sinabi ng Doctor ni Grego. Paano'ng hindi siya makalakad? Hindi niya magawang makalakad at hindi rin magalaw ang kaniyang mga binti. Dahil sa nangyari ay wala pa itong kakayahan na gumawa ng mga bagay na mahalaga sa bawat araw. Gaya na lang ng pagpunta sa banyo upang umihi at magbawas ng dumi. At kinakailangan niya ng therapy upang makatulong sa paglalakad niyang muli. Para siyang bata na muli na namang sasanayin ang mga paa sa paghakbang. Wala siyang kayang gawin dahil baldabo na ang dalawang binti niya. Ngunit ang sabi naman ng Doctor niya ay malaki pa rin ang posibilidad na makakalakad siyang muli. Ang pisikal niyang kondisyon ngayon ay naglilimita o nagbabawal sa kakayahang maglakad ng tama. Walang lakas kaya kailangan niyang alalayan. Nakaramda