Nakatulog ako dahil sa pagod at stress. Sinabayan pa ng pagod na paulit-ulit naming pagtatalik kagabi. Naubos na yata ang buong lakas ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumangon sa mga oras na 'to. Nararamdaman ko na rin panghahapdi sa pagitan ng aking mga hita at kahit hindi ko tingnan nararamdaman ko na rin ang pamamaga. Pero wala akong pinagsisihan sa mga nangyari sa amin kagabi. Ginusto ko ang nangyari sa amin atahal.ko si Rio. Hindi ko ito tinatanaw na parang problema dahil mahal ko siya kaya ako nagpaubaya ng walang reklamo. Ang dami kong inaalala sa mga nakaraang araw ngunit ngayong kasama ko ang lalaking mahal ko. Kinalimutan ko muna ang lahat at iniwan sa labas ang lahat ng mga problema. Gusto ko munang maging masaya sa piling ni Rio ng walang maraming iniisip.