Wala akong choice kundi bantayan si Grego sa hospital. Ilang araw na itong naka-confine at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Nag-aalala na nga ako pero wala namang sinabi ang Doctor niya na na-comatose siya. Mukhang ngayon lang ito bumabawi ng tulog dahil lagi na lang siyang nagpupuyat. Um-absent na naman ako sa trabaho ko dahil hindi na rin kaya ni Papa na bantayan ang anak niya sa buong araw. Nakatulala lang ako ngayon sa upuan habang binabantayan ang paggalaw ni Grego. Sabi ng Doctor ay tawagin ko raw siya o kahit sino sa mga staff na nandito upang ipaalam kung meron akong napansin. Kailangan din kasing i-monitor ang lagay niya ng mabuti. Malalim ang aking iniisip at inaantok na rin ako. Naghalo ang pagod at antok at stress nang may biglang tumunog. Nag-vibra