Parang wala ako sa sarili ko habang pauwi kami ni Rio sa apartment ko. Sobrang lungkot ang lumusob sa aking sistema ngunit para pa ring timang dahil pilit na binibigyan ng ngiti ang nobyo na kasama ko ngayon. Nadurog ang puso ko sa unang beses pa lang na pagkikita namin ng Mommy ni Rio. Ano kaya sa mga susunod na pagkakataon pa. Ang hirap din pala ng ganito, iyong hindi ka tanggap at harap-harapan na pinaparamdam sa iyo na hindi ka talaga gusto. "We're here," aniya ng mapansing nakatulala ako dahil sa malalim na pag-iisip. Iniisip ko kung ano kaya ang dapat kung gawin para magustuhan ako ni Tita. Naiintindihan ko naman kung bakit galit siya. Matalinong tao, gwapo, successful ang anak niya. Binatang puro at gusto niya lang itong makahanap ng babaeng matino para sa anak. Iyong