"Samahan mo ako, halika." Aya sa akin ni Rio dahil gusto niyang tumayo ako at samahan siya sa harap. "Pakiusap, dito lang muna ako." Tanggi ko sa kaniya at nagpapasalamat ako dahil nakinig siya sa akin. Wala akong gana lalo pa't alam kong nandiyan pang ang Mommy niya sa paligid. Baka mawalan pa ako nang lakas at matumba bigla dahil sa masamang tingin sa akin ni Tita. Alam kong nasasaktan si Rio sa pagtanggi ko. Ngunit ito lang ang paraan ko para hindi magalit ng husto ang Mommy niya. Sa tingin ko kasi ay mas lalong maiinis ang Mommy niya kapag magkadikit kami palagi ni Rio. Ang mga mata nito ay parang bagyo na gusto akong salantain. Nakakakaba at labis na mapanganinb. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Nakatingin lang ako at nakikinig sa emosyonal na speech ngayon ni Ri