Hindi ko alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa boss ni Lana. Lalo na ng malaman kong binigyan niya ng cellphone ang asawa ko. Parang gusto kong magwala. Gusto kong sugurin si Rio at saktan ito ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Makita ko lang ang pagmumukha niya ay naiinis na ako. Parang gusto kong sirain ang pagmumukha niya dahil sa nararamdaman kong inis. Sa tuwing hinahatid niya pauwi si Lana sa bahay ay para na akong puputok sa galit. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Mahal ko si Faith at para nga akong mababaliw sa tuwing hindi ko siya nakikita at ganoon din sa kakahanap ko sa kaniya. Hinihintay ko na sana ay bumalik sa siya akin. Dahil pakiramdam ko ay kulang na kulang ako kung hindi ko siya nakakasama. Pero biglang nagbago ang lahat ng nararamdaman ko si