"Lana, nakikiusap ako sa 'yo parang awa mo na. Magkaibigan naman kayo ni Faith 'di ba? Kahit na hindi kayo masyadong close sa isa't isa pero may pinagsamahan din naman kayo. Kaya sana... please lang huwag kang sumipot bukas sa kasal natin." Hiling ko kay Lana dahil hindi ko magagawang suwayin ang mga magulang ko. "Tatanawin ko itong isang utang na loob at hindi ko makakalimutan kahit sa huling hininga ko," desidido kong ani. May sakit si Mommy sa puso at baka atakihin ito kapag ako ang hindi darating. Kahit papaano, alam ko naman na rerespituhin niya ang pasya ni Lana kung hindi ito papayag sa kasal. Lalo na kung walang pagmamahalan na namagigitan sa aming dalawa. "Grego, bukas na ang kasal natin!" Nanginginig ang mga labi niya at nang tingnan ko ang kaniyang mga daliri ay ganoon din