Para akong hihimatayin sa kumpisal ni Sir Rio sa akin. Nanaginip ba ako? Hindi ko lubos maisip na may namumuo na pala siyang paghanga para sa akin. Lahat ng mga sinabi niya ay parang bomba sa aking pandinig. Nakakawala nang lakas, tila hinihigop at wala ng itinira. Gusto kong tumakbo paalis pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Habang nadadagdagan ang bawat segundo, mas lalo lang akong kinakabahan. Nanlalambot na ang aking mga tuhod. Abot-abot ang gahip sa aking dibdib at higit na mas ikinakabahala ko ngayon ay ang takot na baka tuluyan ko ng makalimutan kung sino ako. Natatakot ako na baka hanapin ko ang malambing niyang mga salita. Ayaw kong masanay ng ganito. Dahil ayaw kong magmahal ng tao na alam kong ikakasira ng pagkatao niya. Kulang na lang ng halos dalawang pu