Ilang taon na ang nakakalipas, pero hanggang ngayon ay presko pa rin sa aking mga alaala ang unang araw na nakilala ko si Lana. My mother was busy arranging her things and putting makeup on her face. She informed me a long time ago that we have a wedding to attend. Napakaganda ng suot niya at mukhang may balak pa yatang talunin ang bride sa suot niyang puting gown na may mga kumikislap na diyamante. Hindi ko na lang siya sinaway dahil iyon naman ang gusto niya. Nakakadagdag din iyon ng confident. Sa totoo lang ay wala akong gana. na sumama kay Mommy. Kung ako lang talaga ang masusunod, ayaw ko sa ganoong mga okasyon. Tatanungin lang din naman ako ng mga kaibigan ni Mommy kung kailan ako magsi-settle down. Irereto lang ako ng mga kaibigan niya sa mga anak nila. Tapos si Mommy a