Maaga akong pumasok sa opisina at inayos ang schedule ni Sir Rio. Mabuti na lang dahil wala pa siya nang makarating ako. Marami akong nagawang trabaho dahil nakakapagpokus ako. Wala pang bente minutos, dumating na rin si Sir Rio. "Good morning, Sir," mahina kong bati sa aking boss. Kahit naiilang ako sa presensiya niya, wala rin akong magawa. Hindi naman pwedeng hindi ko ito kubuin. Siya ang boss ko at dapat ko itong pakitunguhan nang maayos. Tahimik lamang ako buong umaga at naibubuka ko lamang ang bibig ko sa tuwing may importante akong sasabihin sa kaniya . Inabala ko ang aking sarili at madalas ay lagi akong lumalabas sa tuwing walang pinag-uutos sa akin si Sir Rio. "Lana, pwede mo bang papirmahan 'to kay Sir Rio. Kailangan na kailangan 'yan mamaya " Hiling sa akin ng bak