Para akong pipi habang papauwi kami ni Sir Rio. Kahit ang driver ay hindi rin nagsasalita. Parang mapapanis yata ang laway ko kapag sila ang kasama kong dalawa. Inalalayan ko si Sir Rio kanina nang lumabas kami ng bar. Hindi na kasi ito halos makatayo dahil sa labis na kalasingan. Ngayon ay nakapikit lang ang mga mata ni Sir Rio at mukhang nakatulog na nga ito. Mabuti na rin iyon dahil hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan kung sakali mang gising pa siya. Sana lang makalimutan niya ang nangyari kanina. "Ma'am, nandito na po tayo," mahinang wika ng driver at halatang inaantok na rin. "Salamat, Kuya. Mag-ingat po kayo sa byahe. Kung inaantok po kayo habang nagmamaneho, mas mabuti pong huminto kayo sa gilid ng kalsada at umidlip na muna," payo ko sa driver dahil nag-aala