"Miss, excuse me lang po." Hinawakan ko sa braso ang babaeng kanina pa pilit na hinihila si Sir Rio upang makalayo sa aming pwesto. Kahit na ilang beses ng nagdahilan si Sir Rio ay ayaw pa rin nitong makinig. Mas matigas pa yata ang ulo nito sa isang batang makulit. Tinaasan niya ako ng kilay sabay tingin sa kamay kong hindi ko napapansin na nadidiin ko na pala. Nadala lang ako ng inis ko dahil masyado na siyang agaw pansin. Kinulang pa ang telang suot niya at ang mga u***g na lang nito ang tanging natatabunan ng damit. Lantad ang magnda niyang leeg at dibdib. Maging ang kaniyang tiyan ay kitang-kita ko rin. Nakasuot lang kasi ito ng tube na dede niya lang ang sakop. Wala naman sanang problema kung hindi lang ito nagmumukhang tanga. Ayaw na sa kaniya ng lalaki pero gusto