Ang hirap pala ng trabaho ni Sir Rio. Pero bilib din ako sa kasipagan niya. Marami akong naging kaibigan bago ako kinasal, pero siya lang ang kilala kong binata na kayod kalabaw. Kitang-kita naman sa trabaho niya. He deserve the best. Hindi lang siya magaling dahil sobrang galing niya talaga. Halos marami pa nga siyang nilalaan na oras sa trabaho kaysa sa kaniyang pahinga. At lagi niyang sinisiguro na lahat ng kaniyang ginagawa ay mas napapahusay niya pa sa bawat dumadaang pagkakataon. Pero hindi nito alintana ang pagod. Mas ako pa nga ang napapagod sa tuwing tinitingnan ko siyang halos wala ng panahon para sa sarili nitong buhay. Ang dami naming dinaanan ni Sir Rio pagkatapos ng palpak niyang meeting. Tila ba gusto nitong alisin ang inis na kanina pa pinipigilan. Pinapakalm