Sa dami ng mga papeles na kailangan kong ayusin para na akong nahihilo. Tambak-tambak at parang hindi man lang ito nababawasan. Ang iba sa mga dokumentong nasa harap ko ngayon ay napirmahan na. Ilang araw ko na rin itong ginagawa pero hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nasasanay ang katawan ko sa pagod. Bilang isang sekretarya, kasama sa mga mga gawain ko ang pag-aayos ng mga file, paghahanda ng mga dokumento, pamamahala ng imbentaryo ng supply ng opisina at pag-iskedyul ng mga appointment. Mas lalo ring nadadagdagan ang trabaho ko sa tuwing nandiyan ang boss ko. Nahihiya rin kasi akong magpahinga dahil baka isipin nitong tamad ako. Sa daming applicants na kasabay ko sa pag-apply sa kompanya niya. Maswerte ako dahil ako ang napili niya. Kaya ayaw kong pagsisihan nitong