Chapter 36

1400 Words

Pagdating ko sa opisina ng boss ko ay bakante pa ang kaniyang table. Walang mga gamit at hindi pa nagagalaw ang mga gamit na ako mismo ang nag-ayos kagabi bago kami umuwi nang sabay. May narinig akong ingay mula sa labas ng opisina at mukhang may napagalitan na naman. Hinayaan ko lang ang mga ito at ilang saglit lang ay nakita kong gumalaw ang door knob. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Ma'am Gen. Ang akala ko si Sir Rio na ang dumating. "Lana, wala pa ba si Sir Rio?" Bungad sa akin ni Ma'am Gen. "Wala pa po, Ma'am Gen. Baka na-traffic lang po siguro." "Ano'ng oras na!" Nagpakawala ito ng matunog na hininga bago ulit nagtanong sa akin. ''Pinaalam mo na ba kahapon ang lahat ng mga appointment niya sa araw na 'to?" seryoso niyang tanong at base sa reaksyon ng mukha niya ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD