"So, dito ka pala nagtatrabaho?" tanong niya sa akin matapos kong sabihin na ihinto na ang sasakyan sa gilid ng building na pagmamay-ari ng pamilya ng Baldon. Tumango ako bilang sagot at para na akong nabingi dahil mula pa kanina ay ngayon lang ito nagsalita. Ang tangi ko lang naririnig kanina ay ang t***k ng aking puso. Kailanman ay hindi pa rin ito naging palakibo. Nabibilang lang ng aking mga kamay ang mga salitang sinasambit niya, madalas nagsasalita lang ito kapag galit at importante ang pag-uusapan. At kung minsan naman ay sobra-sobra na para bang kaya kang balian ng buto sa maaahanghang niyang salita. Wala rin akong imik dahil wala rin naman akong masabi. Kahit naman magkasama kami sa iisang bahay. Hindi pa rin ibig sabihin na kilala namin ang isa't isa. Kaya wala ka