Pinakinggan ko lang si Grego sa mga reklamo niya sa akin kagabi. Ewan ko ba kung saan siya humuhugot nang lakas na loob para kwestyunin ako sa mga ginagawa ko. Ang sama-sama at ang pangit-pangit ng mga bintang niya sa akin. Pinagsabihan ba naman ako na malandi kahit may asawa ng tao. Samantalang siya naman ang lahat ng gumagawa ng mga bintang niya sa akin. Pinag-isipan ko na ng husto ang balak kong annullment sa kasal namin dahil gusto ko ng putulin ang paghihirap naming dalawa. Alam kong nahihirapan siya dahil hindi niya makuha ang gusto niyang buhay kasama si Faith. At nahihirapan din ako dahil sa akin niya naibubuntong ang lahat ng kabiguan niya sa buhay. Pareho kaming nagdurusa kaya dapat lang na makalaya na kaming dalawa. Tiningnan ko ang mga pasa ko sa aking katawan.