"Lana, huwag mo akong tatalikuran. Lalo na kapag kinakausap pa kita!" Naiinis niyang turan pero wala na rin akong panahon para bigyan siya ng oras dahil lang sa walang kwentang pagtatalo. Nagsasawa na rin ako sa ganitong sitwasyon ng buhay. Sobrang nakakahingal na rin iyong ganitong pakiramdam. "Ayaw kitang kausap. Walang pakialaman 'di ba? Kaya hayaan mo na ako sa buhay ko at hahayaan din kita sa buhay mo!" pinal kong sabi dahil alam kong wala namang patutunguhan ang pag-uusap namin ngayon. Ang pag-uusap ay para lamang sa mga taong gustong makipag-ayos. Ngunit hindi naman ito ang gusto niyang mangyari. Gusto lang talaga niya akong awayin palagi. Kaya ano pa ang silbi ng pag-uusap kung hindi naman din magkakasundo? Mas lalo lang gugulo at iinit ang mga ulo namin pareho. Magtatalo