Nasa bahay ako ngayon, mag-isa at walang makausap. Ang gulo-gulo na ng bahay at paminsan-minsan ay dinadala ni Daddy ang mga katulong niya para malinisan ang bahay namin ni Lana. Regalo 'to ng mga magulang namin noong ikinasal kami. Sa tuwing naiisip ko si Lana ay hindi ko mapigilan ang aking mga luha. Naririnig ko lang ang pangalan niya ay para na akong hiniwa sa sakit. Mas masakit pa ito sa aking inaakala. "Lana…" mahina kong usal habang umiiyak. Parang kailan lang ay magkasama pa kaming dalawa sa bahay. Pero ngayon ay tuluyan na ngang naputol ang ugnayan namin sa isa't isa. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang tanggapin na matatapos na ang lahat sa amin. Buong araw akong nagwala at uminom ng matanggap ko ang resulta. Pinanigan siya ng korte at nanalo siya sa gusto niy