"Ma'am Lana, napapansin ko na panay po ang bisita ni Sir Rio rito sa apartment. Nanliligaw po ba siya sa inyo, Ma'am?" Takang tanong ni Kat sa akin habang seryosong nakatitig diretso sa aking mga mata. Hindi konsiya kaagad nasagot at bigla akong natulala. Hindi ko pa kasi pinaalam sa kaniya dahil ayaw kong mag-isip siya ng kung ano-ano. Ngunit may pakiramdam din ito at kahit ano'ng gawin ko para itago ang totoo ay mararamdaman niya pa rin. "Ang kinakatakutan ko po ay baka masaktan na naman kayo at maloloko," dagdag niyang wika. Inaayos ko ang mga gamit ko ngayon dahil paalis na ako sa apartment. Tapos na akong mag-agahan at dadaanan ako ng boss ko para sabay na kaming magtungo sa opisina. Ito ang palaging routine ko sa tuwing may pasok ako sa trabaho. Si Sir Rio ang sumusundo at na