Isang linggo na ang nakalipas simula ng magtalo kami ng asawa ko. Ayaw niya akong payagan na lumipat kami ng bahay ni Kat. Galit na galit siya ng araw na iyon at akala ko nga ay sasaktan na naman niya ako. Pero hindi iyon nangyari. Malayong-malayo sa inaasahan kong magaganap. Noong araw na iyon ay tuluyan na akong umalis sa bahay kasama si Kat at hindi na nagpapigil pa. Pigilan man niya ako nang paulit-ulit at maraming beses, hindi na magbabago pa ang isip ko. Gawin man niya ang lahat ng makakaya niya pero buo na ang pasya ko. Buhay ko 'to at ito na ang matagal ko ng hinihintay. Ang maka-move on ako sa nararamdaman ko para sa kaniya. Ngayong alam ko ng kaya ko ng wala siya sa buhay ko, hinding-hindi na ako makikinig sa kaniya na parang robot. At magpapatuloy ako sa buhay