"Kapag may nangyari sa 'yong masama. Hindi naman kakayanin ng konsensiya ko," mahinahon nitong wika. "I'm not the type of guy who just lets a girl go home alone. Lalo pa at alam ko na ako ang dahilan kung bakit ka ginabi." Hindi ko alam kung inaantok lang ba ako kaya mahina na ang pandinig ko o sadyang naaawa lang ito sa akin kaya bigla itong naging mahinahon. Parang ang bait niya ngayon. Naging instant sweet siya sa akin. Diyos ko! Ano ba itong mga naiisip ko? Ang sama-sama ng mga pumapasok sa utak ko. Bakit ko naman maiisipan na sweet si Sir Rio sa akin? Kakainis naman kasi ang boses niya. Ang lambing-lambing. Samantalang kanina sobrang nakakatakot naman. "Huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang alok ko sa iyo. Uuwi din naman ako kaya isasabay na kita," paliwanag niya sa akin k