Nagpaalam ang kapatid ni Sir Rio na aalis na din siya kaagad kapag natapos na siya sa kaniyang kinakain. Tinapos niya lang ang tanghalian dahil marami siyang in-order na pagkain. Nang ayain niya akong muli, hindi na ako tumanggi pa. Mas mabuti na 'tong ganito kaysa kulitin niya ako tungkol sa nakita niya kanina sa katawan ko. Panay pa naman ang tinginan nila ng Kuya niya. Wala man itong sinasabi pero tila nag-uusap ang kanilang mga mata. Ako ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Palabas pa lang ako ng opisina, kinakabahan na ako. Hindi ako makampanti. Baka paglabas ko ng silid na ito ay ako na kaagad ang pag-uusapan nila. Ganoon naman kasi talaga ang mga tao, kapag wala na ako sa harap nila saka lang ako pagtsitsismisan. Nahihiya rin ako dahil nakita nila ako sa ganitong kalag