Hindi ako natuloy sa pagpasok ko sa trabaho kaninang umaga. Hindi tuloy ako makapagpokus dito sa apartment dahil alam kong mahihirapan si Sir Rio ng walang sekretarya. Nasa kaniya lang ang isip ko. Sa tuwing tinititigan ko si Grego, lagi ko pa ring naaalala si Sir Rio. Si Grego ang nandito pero iba ang nasa isip ko. Sa katunayan ay hindi pa rin ako nakakapagbihis. Gusto kong pumasok sa office pero hindi ko kayang iwan si Grego na ganito ang kalagayan niya. Napakasama ko namang tao kung hahayaan ko siyang nakahiga sa kama ko ng walang mag-aalaga. Abala rin kasi si Kat at ayaw nitong akuin ang pag-aalaga sa boss niya dahil hindi raw niya kaya. Masyado raw matigas ang boss niya at kumakain lang kapag nandiyan ako. Nakakaawa rin kasi itong tingnan. Ang layo-layo na nito sa Gr