Hindi agad ako nakapagsalita sa tinuran n'ya. Parang gusto ko na lang labasin ang sasakyan niya at suungin ang malakas na ulan para lang makalayo sa kaniya. Ngunit bakit tila ayaw gumalaw ng katawan ko, para itong naparilasa at hindi nagawa pang gumalaw. Idagdag mo pa ang malakas na paghataw ng aking puso sa mga pwede pang mangyari. "Please, hindi ito ang tamang oras para magbiro ka. We're stuck in here tapos kung anu-ano pa yang nasa isip mo!" Humalukipkip ako at pinakitang galit ako sa mga nangyayari. "Wala naman tumatakbo sa isip ko ngayon kundi... Ang kaligtasan mo." Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Napansin ko rin ang pagkaseryoso ng mukha nito nang sabihin iyon. His eyes is more darker and his expression is morbid. Bigla ang malamig na hangin na lumlabas mula sa aircon ay napal