Matapos ang masarap na hapunan ay nag-aya si Harold na tikman ang bagong bili niyang brandy ng alak. Hindi naman ako tumanggi tutal ay siya naman ang maghahatid sa akin pauwi kaya ayos lang siguro na uminom ng kaonti. Umakyat na sina auntie at uncle sa kanilang silid para magpahinga habang kami ay piniling sa pool area na lang ituloy ang kwentuhan. Tinawagan nila ang mga pinsan kong sina Fiona at Rudolf ngunit busy ang mga ito kaya ang tanging nakarating lang sina Macky at Frank lang na may dala pang litson manok. Agad akong naglaway at kumurot sa litson sabay subo. "Hoy, ang dami mo nang nakain kanina, ah?" Puna sa akin ni Harold. "Ano bang pake mo, eh sa gusto kong kumain?" Pinandilatan ko pa ito ng mata bago ko ito irapan. "Aba mukhang in good terms na kayo ah?" Tudyo sa amin ni Mac