Kabanata 38 Fresh Start Habang daan ay hindi ako umiimik. Hindi rin naman ito nagsasalita kaya walang saysay kung magbubukas pa ako ng topic. Hindi ko mabasa kung ano ba ang mood n'ya ngayon. Kanina nang inaya n'ya akong umuwi ay hindi man lang ito nagpaalam sa mga kaharap at basta lang niyang hinila ang kamay ko palabas ng restaurant. Ayokong isipin na dahil iyon sa sinabi ko dahil matagal ko naman nang nilinaw sa kaniya na si Joaquin lang ang goal ko at wala nang iba. Paano naman 'yon magiging big deal sa kanya ngayon? Pero bakit ako pa ang mas apektado sa nangyari? Bakit pakiramdam ko ay may mali talaga sa mga sinabi ko. Nang pumarada ang sasakyan ko sa tapat ng gate namin ay saka lang ito lumingon sa'kin. Tulad ng dati ay kaya niya akong lusawin sa simpleng mga titig lamang. Hangg