I felt really guilty right now. Gusto ko nang sabihin sa kanya na inamin ko na kay Joaquin ang lahat. Ayoko nang idamay pa siya sa kalokohan ko. Alam kong malabo na hiwalayan ni Joaquin si Pauline dahil lang inamin kong gusto ko siya. That was imposible! Alam ko rin na sa wala rin mapupunta ang paghihirap ko dahil kung may nararamdaman nga sa akin si Joaquin, dapat noon pa niya ako niligawan at hindi naging sila ni Pauline ngayon. "Alam mo i-enjoy nalang natin ang bakasyon na 'to!" Ako na mismo ang hulila sa kanya para maabutan namin ang grupo nila Macky na nauna nang naglakad. Naabutan namin sila Macky na nasusuot na nang safety equipment bago pumasok sa kweba. "Always check your helmet and chin strap, mahirap na baka magkaroon ng problema sa loob." Isinarang maigi ni Kuya Harold ang strap ng aking helmet, ganon din ang ginawa ko sa kanya. "Opo kuya!" "Very good," anito bago tapikin ang ulo ng aking suot na helmet. Inabot din n'ya sa akin ang flashlight nagagamitin namin sa loob. Kung titingin ay makipot ang pasokan sa labas ng cave pero 'pag pumasok sa loob, hindi ganoon ka sikip. Matapos ang halos kinse ,minutos na paglalakad ay narating namin ang mismong pusod ng kweba where the freshwater pool is located. Ang mga lalaki ay sandaling naligo habang ako ay nagkasya nalang sa pagkuha ng pic nila using my digital camera. Ilang shot na rin ang nakuha ko sa mga nadaanan naming stalagmites at stalactites kanina. Tumutok ang camera ko kila Kuya Harold habang lumalangoy sa tubig kasama nila Macky at Frank. Si Rudolph maging si Joaquin na lihim kong kinukunan pag may pagkakataon. Ilang shot ang kinunan ko kay Kuya Harold bago ko ibaba ang camera na nakasabit sa aking leeg. Matapos sa Timubo cave ay diretso naman ang grupo namin sa Buho Rocks at ang pinakahuli ay ang Danao Lake. Dito na rin namin naisipang magpalipas ng gabi. Ito talaga ang pinakahinihintay ko ang night camping. Katatapos lang namin kumain at ngayo'y magkakaharap sa nilatag na blanket ni Rudolph. Halos ilang hakbang lamang ang Danao Lake sa camping site kung saan kami naka pwesto. "Wanna drink?" Inabot sa akin ni Kuya Harold ang bote ng Sanmig light. "Thanks.." Hindi ko ito tinapunan ng tingin dahil abala ako sa pag re-review ng kuha ko kanina mula Timubo Cave hanggang dito sa Danao Lake. "Hmm, ang gaganda ng kuha natin d'yan ha?" Sumilip sa camera ko si Kuya Harold sabay nginuso ang kuha namin ni Joaquin sa Buho Rocks. Si Kuya Harold ang kumuha nito kanina. Ang totoo n'yan ay ayoko sana sa ideya na 'yon pero mapilit si Kuya na kunan kami kanina. Pinandilatan ko siya dahil alam kong gusto nanaman n'ya akong asarin. Hindi pa ito nakuntento at inagaw na sa akin ng tuluyan ang camera. Halos mamutla ako sa kaba nang ilipat nito ang mga kuha kong naka-focus kay Joaquin. "Harold ibalik mo sa akin 'yan?!" Tumayo na ito na bakas ang ngisi sa labi. "s**t, Harold, ano ba?!" Hinabol ko pa ito na siyang nakalayo na at pumasok sa kakuyan. Nang maabotan ay lumapit ako dito at pilit na hinihila mula sa kaniya ang aking camera, but because of his height and strong arms ay hindi ko ito makuha. Huli na nang mapansin kong halos nakayakap na ako dito. Natahimik ako nang marinig ko ang marahas nitong buntong hininga sa naging ayos namin. Sa puntong iyon ko naramdaman na dahan-dahang yumakap ang braso ni Kuya Harold sa likod to my make body stable and stay at the position. Mabilis kong sinalubong ang mga mata nito para magtanong ngunit natigilan ako. His eyes so dark and serious, I also notice how his jaw working so hard while staring hard at me.. Then his eyes traveled along my nose and lastly to my merciful lips. "Give me back my camera," I barely whispered to him. He swallowed hard first and he give it back to me without a word.. Buong akala ko'y aalis na ito at pakakawalan ako ngunit laking gulat ko nang hinapit nito ang likod ko palapit sa kanya.. And the last thing I knew his lips brushed mine. Softly, delicately like the butterfly wings. I shut my eyes firmly, no! that was my first kiss. Hindi ko inaasahan na kay Kuya Harold ko iyon ibibigay. Si Joaquin, siya ang gusto kong maging first kiss at hindi si Harold but why I felt so good in this very moment? It feels like soft rain in a summer evening. I tried to calm my racing heart but it's pointless right now. "Wow.." I heard he mumbled huskily while pinching my chin softly. Akala ko ay masusundan pa iyon ngunit bigla itong kumalas sa akin kaya mabilis akong dumilat na tila nagising sa isang mahimbing na pagkakatulog nang magsalita ito. "Joaquin.." My heart unexpectedly racing as I heard his name.. Tumuwid ang tingin ni Kuya Harold sa aking likuran kaya agad akong lumingon. I saw Joaquin leaning his back at the tree while his two arms crossed against his chest. Sa akin mismong mata ito direktang nakatingin. Tulad ng dati, malamig at madilim ito kung tumitig. Hinigit ko ang paghinga at mabilis na nag-panic. "Kanina kapa d’yan?" Si Kuya Harold ulit. Mabilis akong nagyuko nang makita kong tumango ito bago umayos na’ng tayo. "Nasaiyo daw yung lighter, gagamitin sana pambukas ng fluid stove," anito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Yeah, sige ako na magbubukas ng kalan." Nauna nang naglakad si Kuya Harold at iniwan kaming dalawa. I swallowed hard as I step toward his direction. Hanggang sa tumigil ako sa harapan nito mismo. "I can explain what happened here," I say as I tried to control my emotion. Muli itong sumandal sa puno at ibinalik sa dati ang ayos kanina. "You don't have to explain, Allyson. I just came her for the lighter." Muli akong lumunok, hindi ko maitatanggi na nasaktan ako sa paraan ng pagkakasabi n’ya pero hindi ako nagpa-apekto. "That kiss is nothing, I mean.." Nasapo ako sa sariling noo at hindi malaman ang dapat sabihin. "Come on, Allyson.. You don’t have to explain what I just saw earlier.." He now chuckled with humor. Kagat labi akong tumingala dito na halos mamula ang mata sa pigil na emosyon. Agad naman napawi ang ngisi nito sa labi dahil sa nakita. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito at laking gulat ko nang umangat ang kamay nito't haplosin ang aking pisngi. “Bakit ngayon ko lang napansin ang bagay na ‘yon?" he whispered softly. Pumikit ako't tuluyan nang bumagsak ang mga luha na siya nitong pinahid gamit ang daliri. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa n’ya. "You’re so fragile and yet can easily broke a man’s heart," anito bago ako bitawan. Ilang minuto na itong wala ngunit hindi ko pa rin mapagtagpi-tagpi ang lahat ng kaniyang mga sinabi. Pinasya kong bumalik na sa campsite at simpleng naupo sa tabi ni Fiona. Tinapunan ko ng tingin si Kuya Harold na nasa grupo nila Macky habang umiinom. Kasama din nila doon ang grupo nila Joaquin. Muli kong sinilip ang mga kuha namin sa aking digital camera. Most of my shot is focusing on Joaquin, iilan lang ang kay Kuya Harold at sa iba. Pero napatigil ako nang lumipat ang kuha kay Kuya Harold, suot pa niya dito ang shades n'ya at solong nakatayo habang ang back ground ay ang Danao Lake. Dahan-dahan naglakbay ang tingin ko dito, from his shaggy hair to his bridge nose, from his excellent pair of beard jaw and lastly to his damnable lips. I exhaled sharply, hindi kailan man sumagi sa isip ko na mahahalikan ko ang mapupula at malambot nitong labi. I couldn't even imagine to kiss him back either.. But what happened earlier is wasn’t expected. It’s far from what I’ve had dreaming for.. Dahil hindi dapat siya iyon kundi si Joaquin. Pinatay ko ang camera at hinahanap ito ng mga mata. He’s still in the group, laughing and drinking while holding the bottle in his right hand. Napakislot ako nang sumulyap ito sa akin. My pulse started racing, I shifted to my seat uncomfortably as I notice his small action. Dinala nito sa labi ang bote ng beer matapos ay dahan-dahan iyong ininom. Nagbaba ako ng tingin matapos ay tumayo na para matulog.. "Matutulog ka na? Maaga pa ah?" tanong sa akin ni Fiona. "Oo, masyado kasi akong napagod sa pamamasyal." Tumalikod na ako sa mga ito at hindi na muli pang tinapunan ng tingin ang kabilang grupo. Pumasok na ako sa tent kung saan kami ni Fiona ang magkatabing matulog. Gustohin ko man makigulo sa kanila at umakto ng normal ay mukhang hindi ko kaya. Maraming nagbago hindi lang sa friendship namin ni Kuya Harold kundi pati kay Joaquin. Gusto kong sisihin ang sarili kung bakit umabot kami sa halikan at ang pag-amin ko kay Joaquin ay tinuturing kong isang napakalaking pagkakamali. Hirap man gumawa ng tulog ay nakuha ko ang tamang ayos. Hinila na ako ng antok at nalimpungatan lang nang maramdaman kong may tumabi sa akin. Madilim na ang buong paligid, tanging ilaw ng poste sa ‘di kalayuan ang pumupuno sa paligid. "Fiona? Anong oras kayo natapos?" Hinila ko ang cumporter para i-yakap sa giniginaw na katawan habang nakatalikod dito. Ngunit hindi ito sumagot. Alam kong kakahiga lang nito kaya’t imposibleng tulog ito agad. Ginawa ko ay humarap ako dito para sana ito aninagin ngunit labis na umawang ang labi ko sa gulat nang hindi si Fiona ang tumabi sa akin. "Harold?!" sigaw ko at tangka nang babangon ngunit mabilis ako nitong hinila pahiga sa kaniyang tabi. "What the f**k are you doing here, Harold?" Sinuntok ko ang balikat nito dahil yapos yapos nito ang bewang ko gamit ang mala-bakal nitong mga braso. "Stay where you are and sleep with me," anito sa mababang tinig. Amoy ko ang alak na binubuga ng hininga nito at ang init na hatid nito sa pisngi ko ngunit pilit ko iyon nilalabanan.