Kabanata 7

1862 Words
The deep silenced lingered for so long. Ang tangi lamang bumibingi sa akin ay ang malakas na t***k ng aking puso. Damn, Allyson, bakit ngayon kapa kinabahan? Ito na ang pagkakataon mo! "I should go back to hotel, ikaw hindi kapa babalik?" Sumulyap itong muli sa akin kaya labis akong nataranta. "Ano, hindi pa- gusto ko pa kasing magpahangin saglit... ikaw? Aalis ka na ba talaga?" I swallowed my last words and bit my lower lip. Hindi nito agad inalis ang tingin sa akin. Tulad n'ya ang mga matang matagal nang mailap sa akin ay tila hindi ko gustong bitawan. "Is there a problem?" Tumaas na ang kilay nito sa akin. "No, nothing! Ano kasi, ngayon lang ulit tayo nakapag-usap ng ganito?" Nagkibit balikat ako at binawi muli ang mga tingin dito. "I don't even remember that we had a small conversation like this before.. Actually, we have not," he said. Mas mariin ngayon ang pagkagat ko sa aking labi. Buti alam mo? "Si Pauline kasi ang one of the boys noon diba, kaya siya ang lagi mong kausap. Mas gusto ko kasing mag-isa at ayokong sumali sa mga gimik n'yo." "Yeah, because you're always under my kuya's wings, aren't you?" Umawang ang labi ko sa kaniyang sinambit. Saan naman n'ya nakuha ang bagay na 'yon? "No, I'm not.." Pagtatangol ko sa sarili. Gumawi itong muli ng tingin sa akin, with both hands are settling at the sand. "You are, Allyson," he said closely and firmly. What is that mean? Kaya ba hindi n'ya ako kinakausap noon ay dahil kay Kuya Harold? "He's too clingy and sweet. He's just like a  best friend and a brother to me.." "Pero hindi iyon ang nakikita ko," anito bago muling tumuwid ang tingin sa unahan. Damn it! Sabi ko na nga ba ganito ang mangyayari at iisipin n'ya sa amin ni Kuya Harold. "No, we're actually friends!" I just hissed and shook my head down. "Why not? My bother is a full package. Wala ka nang hahanapin pa sa kanya." Muli akong umiling. Kung pwede ko lang sanang aminin na ngayon sa kanya na siya ang gusto ko at walang iba, pero ang daming pumipigil sa akin para gawin iyon. Una may girlfriend siya, walang iba kundi si Pauline ang karibal ko sa lahat mula pa noon. Pangalawa, our parents. Ano nalang ang sasabihin nila pag nalaman nilang may gusto ako kay Joaquin, tiyak na maapektohan pati ang pagkakaibigan nila. Pagnagkataon. And lastly, ang sasabihin ni Kuya Harold.. Hindi ko maintidihan kung bakit bigla ay kailangan kong isa alang-alang ang damdami n'ya pag pinagtapat ko na kay Joaquin ang totoo kong nararamdaman. "May iba kasi akong gusto.." Mariin akong pumikit matapos ko iyon sabihin. s**t! Are you really wanted to die now, Allyson? "Hmm, sounds interesting.." He show off his white teeth while smiling at me. Gosh! Parang gusto kong matunaw. My heart is almost stop beating. My breath is hasten. Ramdam ko rin na pulang pula na ang mukha ko kanina pa. Tell him, Allyson or it's now or never! Bahala na bukas, saka ko nalang iisipin ang mga iyon. Ang importante ay ipagtapat ko ang nararamdaman ko sa kanya. "Ikaw... Joaquin! Ikaw ang gusto ko." Even if my voice is shaking I still manage my trembled lips. Napawi ang ngiti nito sa labi nang salubongin ang tingin ko. Habang ako'y unti-unti namang naiipon ang mga luha sa gilid ng mata. "Gusto kita dati pa, I don't know when or where it started. Basta bigla nalang nangyari.. I don't know, maybe because of your looks or your cold hearted personality..." Huminga ako ng malalim matapos ko iyon sabihin. Hindi ito kumibo, nanatili ang mga titig sa akin. His eyes holding a total shock but with the lace of coldness.. Pinahid ko ang mga luhang pumatak at tumingala. Gosh! Bakit ko ba sinabi 'yon? I need to do something, iyong hindi ako magmumukhang kawawa. "But I'm happy for you and Pauline!" Sa huli ay nabigkas ko. Nakita kong nagtangis ang bagang nito bago pinasyang tumayo. Ginagawa ko ay tumayo na rin at pinagpagpag ang buhangin sa aking binti. Tumingala ako dito na siyang hindi inaalis ang distansyang meron kami. We exchange look for a bout a second but it's not enough to know what's in his mind right now.. "Bakit ngayon mo lang sinasabi ang bagay na 'yan?" anito habang nakayuko sa akin. Umawang ang aking mga labi. Damn, he's too close, eyes full of spark and softness. God! I can't breathe.. My lips hang for a bit more seconds, hindi malaman ang dapat sabihin. Pero sa huli ay ito ang unang sumuko, umatras at bahagyang napabuntong-hininga. "It's getting late.. pumasok ka na rin baka sipunin ka." Tumalikod na ito sa akin at diretsong naglakad palayo. Sandali pa akong nakatulala habang pinapanood itong lumalayo sa akin. Sa huli ay tinapik ko ang aking noo! "s**t! s**t! s**t!" sigaw ko.. Paano na 'to ngayon? Ano nalang ang iisipin n'ya sa akin? Ang sasabihin ni Pauline at ni Kuya Harold pag nakarating ito sa kanila? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay Joaquin bukas? Muli akong sumalampak sa buhangin at yumuko gamit ang dalawang tuhod na nakasuporta dito. "You shouldn't said that!" bigkas ko pa habang nakayuko. "You shouldn't said what?" Halos mapatalon ako sa gulat nang tumabi sa akin si Kuya Harold na bakas ang malawak na ngiti. I rolled up my eyes, "Ano naman ang ginagawa mo dito?" "Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.." Ngumuso ako, stalker ko ba siya? Bakit lagi siyang nakabuntot sa akin? "I'm sorry, about earlier. Hindi ko dapat ginawa iyon," he said in softer tone now. Tinikom ko ang aking mga labi at humalukipkip, "Huwag mo nang uulitin 'yon? Dahil kapag ginawa mo pa 'yon ulit, hindi na kita ituturing na kuya or even a friend," sambit ko.m "Really? I can't wait for that to happen," he whispered. "Kahit kailan talaga puro kalokohan ang lumalabas sa bibig mo!" Kinurot ko ang tagiliran nito na siyang umaray sa sakit. Mabilis naman akong tumayo at tumakbo para hindi n'ya maabutan. Pero dahil sa malalaki nitong hakbang at malalaking biyas ay agad nitong nahuli ang bewang ko. "Huli ka!" Hindi ko na napigilan ang malakas kong tawa nang buhatin niya ako't umikot ikot siya sa buhangin. This is what I like about Harold, he can lessen my pain and made me happy even for awhile. Kinabukasan ay handa na ang lahat para tumungo sa Timubo cave at Buho Rocks.. Hinihintay nalang namin dumating ang service na magdadala sa amin sa Timubo cave. Pero habang naghihintay ay hindi ko maiwasang sulyapan si Joaquin na katabi si Pauline. Mabuti ay may suot akong shades kaya malaya ko itong napagmamasdan kahit sa malayo. "Baka malusaw.." I clenched my teeth, hinubad ang suot na shades at bumaling dito. At ang loko nakasuot din pala ng shades, pero in fairness sa mokong na 'to mas nagmukhang artistahin ang dating. "Pwede ba ang aga-aga!" Ibinalik kong muli ang suot na shades at itinuon ang pansin kay Joaquin, ngunit halos tumigil ang t***k ng puso ko nang mapansin kong sa direksyon ko ito nakatingin. I'm not blind, I clearly saw it with my two widened eyes natitig ito sa akin. Agad na namula ang dalawang pisngi ko nang maalala ang ipinagtapat ko dito. Ano nalang ang iisipin n'ya sa akin pag nakita n'ya nakikipag harutan ako kay Kuya Harold gayong alam n'ya naman na may gusto ako sa kanya. "Let's go, guys!" Si Macky, matapos dumating ang inupahang sasakyan ng grupo. Hindi ko alam kung sinadya pero magkakatabi kami sa isang row nila Joaquin. I and Joaquin are at the middle of Pauline and Kuya Harold who used to seat beside the window. Gustohin ko man sa tabi ng bintana ay inunahan na ako ni Kuya Harold doon. My back stiffen at the cool car chair and my breathing hitched laboriously. I've never been so nervous in my entire life until today, ngayong alam na ni Joaquin ang nararamdaman ko sa kanya. "Love, nadala mo ba yung airpods ko?" Narinig kong tanong dito ni Pauline. "It's in your bag's pocket." sagot nito. Pasinghap ako nang marinig ko ang buo nitong boses at marahang paghinga. Pumikit ako sandali para ibsan ang bumabangong kaba. "Huy? Kagigising mo lang, tutulog ka agad?" Naramdaman kong ang pagsiko sa akin ni Kuya Harold. Tiim bagang akong lumingon dito. Suot pa rin niya hanggang ngayon ang shades niya habang ako ay tinanggal ko na kanina pa. "Ano bang paki mo? E, sa hindi ako nakatulog ng maayos kagabi!" Irap ko dito. "Hindi kapa nakatulog sa lagay na 'yon? Eh nasa five star hotel ka na?" "Whatever!" Humalukipkip ako at tinuon nalang ang pansin sa daan. Maingay sa likuran namin kung saan nakaupo ang grupo nila Macky, si Kuya Harold ay nakikipag kwentuhan sa kanila kaya walang dahilan para gumawa ng kaonting tulog. "Hindi kaba nakatulog kagabi?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Joaquin, mabilis na lumipad ang tingin ko kay Pauline na nakakipit habang nakasalpak sa tenga ang kaniyang airpods. "Huh? Hindi masyado," I whispered softly. "Forty minutes pa naman ang byahe, pwede kang umidlip sandali," aniya habang nakayuko sa akin. His eyes is more like serious at this time. Ibang iba sa matang ginamit n'ya sa akin kagabi nang nag-uusap kami. "No, I'm fine. Hindi din naman ako makakatulog sa ingay nila.." "You can use my airpods." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nilabas n'ya itoula sa bulsa nang dala niyang bag. Isinuot n'ya sa kaliwang tenga ko ang isa matapos ay inabot ang isa pa. "Choose a song.." Nilahad nito ang cell phone niya sa akin. I bit my lower lip, hindi na ako nagdalawang isip na kunin mula dito ang kaniyang cell phone. Natuwa ako sa dami ng kantang naka-download doon, isa pa mas nasiyahan ako dahil halos pareho kami ng genre na gustong pakinggan. Malaunan ay hinila na ako ng antok habang bumabyahe. Namalayan ko nalang na may tumatapik sa aking balikat. "Allyson.." Mabilis akong naalimpungatan at nilingon ang seryosong mukha ni Joaquin. Hindi ko namalayan na nakahilig pala ako sa kanya at tulo laway pa. "Oh, sorry!" "We're here, ikaw nalang ang hinihintay," aniya. Tinanggal ko ang nasalpak sa aking tenga na kanina pa pala hindi tumutugtog. Nasa akin pang kandungan ang cell phone niya. "Here's your phone and airpods, thanks!" Bakas man ang hiya sa sarili ay nakuha ko pa rin ngumiti. Nuna na akong bumaba dito at ganon nalang natigilan nang bumungad sa akin ang nakataas na kilay ni Pauline. Naroon din si Kuya Harold na hinihintay tiyak ang pagbaba ko. "Mukhang napasarap ang tulog ng sleeping beauty namin ah?" Mabilis ako nitong inakbayan para ilayo kay Pauline. "Gosh, bakit hindi mo ako ginising?! Bakit hinayaan mong tumulo ang laway ko habang natutulog?" Pinanlalakihan ko ito ng mata habang hila-hila niya palayo kila Pauline. "I don't want to ruin the moment. That's was your chance to be close to each other, sisirain ko pa ba?" Tumingala ako dito na kunot ang noo, hindi na nito suot ang pamatay niyang shades kaya huli ko ang madilim nitong mata at pag-igting ng panga habang nasa daan ang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD