Nagmulat nalang ako ng mata dahil sa simoy ng hangin sa dumarampi sa balat ko. Kinapa ko ang cumporter at niyakap iyon sa sarili. Pero agad din akong napadilat nang mapansing nasa isa akong silid at nakahiga sa kama. Naga-agaw na ang liwanag at dilim nang gumawi ang tingin ko sa glass window. Nasa silid ko na ba ako? Pero paano ako nakarating dito? Dahan-dahan akong bumangon para mapagtantong nagkakamali ako. Nasa ibang silid ako. Nasa suite pa rin ako ni Kuya Harold. Lumabas ako at hinahanap ng mata si Kuya Harold. Doon bumukas ang pinto mula sa labas.. "Gising ka na pala, how was your sleep?" Kasunod nito si Macky na diretsong naupo sa sofa habang busy sa kaniyang phone. "Ayos naman.. how did I get here? I mean, sa kwarto mo?" Hindi ko pinansin ang pagsulyap sa akin ni Macky. "De binuhat kita." sagot niya. "I thought you were at the same room?" ani Macky. "No! Nasa kabilang pinto ang silid ko!" Tumango lang ang huli, tila nakumbinsi ko sa mabilis na sagot. "Take a bath and make yourself ready at seven, may dinner tayo." Ginulo ni Kuya Harold ang buhok ko matapos akong lampasan. Ginawa ko nga ang sinabi nito nang magpaalam ako sa mga ito para maligo na at mag-ayos. Napili kong suotin ang kulay blue na romper short na V-neck ang yari sa harap at likod. Binagayan ko lang ito ng white sandals at binagsak ang buhok na kinulot ko ng bahagya sa laylayan. Hinila ko na ang aking sling bag at cardigan at mabilis na kumatok sa pinto ni Kuya Harold. "Ready!" Nakangiti kong sinabi nang pagbuksan n’ya. But I draw my lip into a tight line when he shot me a serious glance. "Too simple and yet hotter." Kumento n’ya. Wala naman ako masabi sa pagdadala nya ng damit. Kahit naman naka khaki short ito at polo na bukas ang ilang botones mula sa dibdib ay lumulutang pa rin ang pagiging CEO nito sa kaniyang aura. "Where's Macky?" Sumilip ako sa loob at dumukwang mula sa ilalim ng kaniyang braso. "Kanina pa umalis.." Yumuko ito at niyakap ang braso sa akin leeg. Mabilis naman akong umikot para tuluyan niyang akbayan. "Ang bango mo ngayon ah?" Humilig pa ako sa dibdib nito para mas maamoy ito ng malapitan. "Pawis ko lang ‘yon." Hinila nito ang balikat ko't sinubsob sa kanya mismong dibdib. "Yabang!" sagot ko bago ito hampasin sa dibdib. Sabay na kaming bumaba, sa lobby na namin kinatagpo ang mga kasama. Laking pasalamat ko nang kumalas si Kuya Harold sa akin at sandaling kinausap sila Frank at Rudolph. Habang ako’y lumapit naman kila Fiona at Joe. Batid kong naroon si Joaquin at Pauline. Gaya ng dati, silang dalawa lang naman ang madalas na magka-usap. Pauline never had a single conversation with any of the girls in the group. She’s very aloof and very dependable with Joaquin. Mukhang may sariling mundo nga ang mga ito kung tutuosin. "Let’s go guys!" Hinila na ni Rudolph ang girlfriend nitong si Joe mula sa grupo namin. Hahakbang na sana ako para sumabay sa pinsan kong si Fiona nang hapatin ni Kuya Harold ang aking mismong bewang para pigilan. Mabilis kong hinanap si Joaquin na nasa mismong likuran lamang namin at kitang kita ang ginawa sa akin ni Kuya Harold. Bahagya itong yumuko’t bumaling kay Pauline bago ito ayain maglakad. “Hand me your bag and wear your cardigan before we leave," aniya. Kinagat ko ang ibabang labi at sinunod ang kaniyang sinabi. Bagaman lumayo ito sa akin nang sumabay ako kay Fiona ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga gesture nito lalo na pag nand'yan lamang sa tabi si Joaquin. Kung tutuosin ay normal lang sa akin ang ginagawa n’ya or ako lang itong may ibang nababasa sa mga kilos n’ya. Nag-dinner kami ng magkakasama sa isang korean foods doon. Hindi ko nanaman mapigilang kumain ng madami. Actually hindi ako tabain kaya okay lang na kumain ako ng madami. "What are we plans for tomorrow?" tanong ni Rudolph. "Sa Timubo Cave tayo and then sa Buho Rocks," wika ni Frank na siyang nakatutok sa dala niyang iPod. "Mukhang maganda d'yan ah?" kumento ni Fiona. "Actually, maganda nga d’yan. Dinala na ako d'yan ni Joaquin, specially sa Lake Danao, who also called The Lovers Lake,we do a kayaking ang boating there." Matamis itong ngumiti at sumulyap kay Joaquin na hawak sa kanang kamay ang baso ng alak. Kumibot ang aking labi, what the f**k! "Ayos, may instant tour guide na pala tayo!" Si Rudolph na ngumisi kay Pauline. Tumaas ang kilay nito, "Of course, I and Joaquin will be your official tour guide for this entire trip, diba love?" Tahimik kong hinila ang baso ng brandy sa aking harapan at matabang iyon ininom. What are we expect? Eh mukhang kabisado na n’ya ang lugar na ito dahil tiyak palagi sila dito ni Joaquin. "Mukhang maganda d’yan sa Danao lake, can we go there alone, babe?" May halong pang aasar sa tono ni Kuya Harold nang sulyapan ako. "Eew! Ang baduy mo!" Tinulak ko pa ang mukha nitong lumapit sa akin. "Baduy para sa mga tulad n'yo na walang love life. Ayaw mo ‘non? Inaaya ka na nga ni Harold, choosy kapa?" Pauline twitched her brows at me. Napawi ang ngiti sa aking labi dahil sa kaniyang sinabi. What the hell is she talking about? Pati ang buong grupo'y tila nagulat sa sinabi nito sa akin. "You’re right baduy nga don, let’s explore something new here at Camotes Island. Iyong wala pang masyadong nakaka-discover," sambit ni Kuya Harold. Alam kong sinalo lang n’ya ako sa pagpapahiya sa akin ni Pauline. Palagi naman e, palagi n’ya akong sinusoplak na wala naman dahilan. "I smell something fishy.." si Macky na malawak ang ngisi sa amin ni Kuya Harold. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito. Pinasya nang ilan na sandaling tumambay sa resto-bar, habang kami ni Kuya Harold, Rudolph, Joe at Macky ay umalis para tumungo sa night market. Kahit maraming makikita na magandang pasalubong kila mom and dad ay hindi ko magawang pumili. Okupado pa rin kasi ng utak ko ang mga binitiwang salita ni Pauline. Masyado ba akong choosy kaya hanggang ngayon ay wala pa akong boyfriend? Hindi ko siya maintidihan kuny bakit palagi nalang n’ya akong ganon kausapin? "Hey.." Halos mapatalon ako nang may isuot si Kuya Harold sa aking pala-pulsohan. It’s a ornamental jewelry, gawa ito sa kahoy na inukit at ginawang beads para maging polseras. May naka-indicate pa roon heart shape sa gitna. "It looks more expensive on you," anito sa akin bago niya haplosin ang ibabaw ng aking kamay. "Thanks.." I smiled softly at him. "I also have one for me. It’s a couple bracelet actually." Itinaas nito ang braso para ipakita ang suot n’ya. Umiling ako dito bago ngumiti. Paano nalang ako kung wala si Kuya Harold. Hindi ko na napigilan ang sarili na yumakap dito. Why I always feel safe in his arms? Why my heart felt secure all the time? Why I always find peace and warm over his chest? Naramdaman kong umangat ang isang kamay nito sa aking likod at ang isa ay sa akin namang buhok. “Is my baby okay?" he whispered through my ears. Tumango ako dito’t mas hinigpitan pa ang yakap dito. "Wait are you for real guys? Si Rudolph na tila hindi makapaniwala sa nakita. Kumalas naman ako mula sa pagkakayap dito na bakas ang alanganing ngiti sa labi. "Yes! We’re actually dating, may problema ba ‘don?" sagot ni Kuya Harold na siyang dahilan para lumuwa sa gulat ang aking mga mata. "What? You mean, kayo ni Allyson?" Tila hindi pa rin makapaniwala si Rudolph habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "W-wait- it's not what you think it is. We're friends." Malakas kong siniko ang sikmura ni Kuya Harold matapos ko iyon sabihin. Sinadya kong lakasan para mapa-atras ito't hindi agad makapagsalita. "He loves someone, si Paw-" Hindi ko pa natapos ang dapat sabihin ay tinutop na nito ang bibig ko para pigilan "Hey, that was out of the line, babe.." Humarap ito sa akin na madilim ang mukha. Hinablot ko ang kamay nito't mabilis silang tinalikuran. Agad na naipon ang mga luha sa gilid ng aking mga mata habang palayo. Naiinis ako, hindi, galit ako kay Harold! Bakit n'ya kailangan sabihin na nag de-date kami gayong hindi naman totoo? Saka ano nalang ang sasabihin ni Joaquin 'pag nalaman n'yang ang bagay na iyon. Baka pagtawanan lang ako ni Pauline pag nalaman n'ya ang katotohanan na siya pala talaga ang gusto ni Kuya Harold at hindi ako. Sinipa ko ang ilang buhangin at pasalampak na naupo sa buhanginan. Marahas ko ring pinahid ang aking mga luha at huminga ng malalim. Ayoko pang bumalik sa hotel, dahil tiyak na makikita ko lang doon si Kuya Harold. Tiyak na tutuksohin lang din ako nila Rudolph at Macky 'pag nagkataon. "Alone?" Napakislot ako mula sa pagkakaupo nang makilala ang mababa nitong boses. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tahasan na itong tumabi sa akin. Mabilis kong hinawi ang buhok kong tinatangay ng malamig na hangin habang tila hindi makapaniwala sa nakikita. "J-Joaquin.." I stuttering. Sumulyap muna ito sandali sa akin matapos ay muling itinuon ang tingin sa tahimik na dagat. "I like the sound of the soft breezes, it is fine and smoother. It brings sweet memories of times gone." Binalik ko ang tanaw sa dagat na halik halik ng bilog na buwan. Wala akong masabi, parang ang perpekto lang kasing tingnan, hindi lang iyon ang moment na matagal ko nang hinihintay... Si Joaquin, nandito siya at katabi ko. "B-bakit ka pala nandito?" Hindi ko na napigilan pang itanong. "Bakit mag-isa ka? Nasaan si kuya?" He leaning his head at my side and eyes darted on me. "Oh, si Harold... Iniwan ko sila sa night market kasama nila Macky." I lick my lower lip and looked away. He just nod..