Kabanata 5

1778 Words
Maaga palang ay nasa amin ni si Kuya Harold. Ngayon kasi ang alis namin patungong Cebu. Nagpresinta itong sumabay sa akin patungong airport sakay ng taxi na siya mismo ang nag-arkila. "Nadala mo ba lahat ang mga kailangan mo?" tanong nito nang pareho na kaming nakasakay sa sasakyan. "Of course, ako paba?" Ngumisi ako dito matapos ay umirap. "Good, let’s go.." Kompleto na ang lahat nang dumating kami sa airport. Agad na hinanap ng mata ko si Joaquin na kasama si Pauline. They are chatting closely to each other at nakayakap pa ang braso ni Joaquin sa bewang nito habang naka sideview sa amin. "Jelly over load.." Kuya Harold whispered right to my ears. Umakbay pa ito sa akin at nilapit sa kaniya. "Tss.. Sino may sabi aber?" Tinaas ko ito ng kilay bago siya irapan. "Look at your face, oh?" Pinisil nito ang aking dalawang pisngi gamit ang buong kamay. "G-get...your hands off me!" Pabulol kong sinabi dahil sa ipit na ipit na ang nguso ko sa pag pisil n’ya. "You're so funny..." Halakhak nito habang tuwang tuwa sa ginagawa. "Whut–the–fvk!" I cursed. "Bingo!" Agad naman ako nitong binitiwan nang mapansin kong naagaw na namin ang pansin ng dalawa at ng ibang mga kasama. "This trip will going to be exciting and fan, believe me, Babe–bi." Hinila na niya ako gamit ang mga braso na naka-akbay sa akin papasok sa loob. As usual kami ni Kuya Harold ang magkatabi sa upuan. Habang nasa kabila lamang sina Joaquin at Pauline. I'm sitting right beside the window kaya mas pabor sa akin na doon nalang ituon ang pansin kesa sa kanila. Matapos ang isang oras at kalahati ay narating na namin ang Cebu. "Touch down Cebu!" Macky shout out loud. Akala mo’y ngayon lamang nakapunta dito. Pero ang totoo’y may bahay bakasyunan sila dito. May naghihintay na sa aming van patungo sa hotel kung saan daw namamalagi si Joaquin. This whole trip ay libre n’ya sa amin from tickets sa airplane at sa hotel na tutuloyan ay sagot niya. "Oh God, I’m so tired!" Bulalas ni Pauline nang makababa kami ng van. "See you guy's at dinner. Nasa front desk na ang key card n’yo, just ask the receptionist," wika ni Joaquin na siyang nauna nang naglakad kasama si Pauline sa elevator. I lick my lower lip. Hindi ko mapigilang mainis sa inakto ni Pauline. Lahat naman kami ay pagod noh! Si Joaquin ang may sagot ng buong trip nito mula sa plain tickets at renta sa hotel. Siya na din daw ang bahala sa tour namin dito sa loob ng isang linggo or higit pa. Malaki-laki ring pera iyon kung iisipin. Oh, baka nag papa-impress lang siya kay Pauline kaya n’ya iyon ginawa. "What? No way!" Hindi ko mapigilang sabihin nang malaman kong nasa iisang silid lamang kami ni Kuya Harold. "Paano ba 'yan, mukhang kombinsido na ang utol ko na may something nga sa atin." Siniko ako nito habang winawagayway pa ang key card na hawak sa akin.. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit ng mariin dahil sa sobrang inis. **** Imbes na iwan ito ay bumaling ako sa receptionist para kausapin. "Hi, good morning! Can you please give me another room?" I ask the woman at the front desk. "Hoy ano 'yan?!" "I ask for assistance, lilipat ako ng suite," sambit ko na hindi ito nililingon. "Come on, sayang naman ang luxury suite na pina-reserve ko— este ni Joaquin kung tatanggihan mo lang." Sinamaan ko ito ng tingin. Does he really wants to win the heart of Pauline or not? Mukha kasing hindi at wala man lamang itong effort. "Kung gusto mo ikaw nalang ang tumuloy ‘don. I can manage myself alone!" Matapos kong kunin ang key card sa receptionist ay diretso na akong sumakay sa elevator pero nakasunod ito. "Saang floor ka?" "Sa third floor lang." Bantulot kong sagot. "Ayaw mo ba talaga akong makasama sa iisang room, babe? Tiyak na magiging masaya 'yon," aniya habang umaakyat ang lift. "Nako! Baka mamaya kung ano pang gawin mo sa akin." Pabiro kong sinabi bago ngumisi dito. "Anong masama kung tabihan kita sa pagtulog? Hindi naman kita type no!" Yumuko pa ito para tingnan ang magiging reaksyon ko. Namula ang dalawang pisngi ko sa inis. Ah, hindi pala type ah? "Tsss.. Mas lalong hindi kita type noh! Mas gugostuhin ko pang makatabi si Macky or si Frank dahil alam kong behave sila, hindi tulad mo, saka kilala ko ang likaw ng bituka mo, Harold!" Tinggal ko na ang kuya dahil talagang naasar na ako. "Ouch, sobra ka naman magsalita. Baka kapag nakita mo ang abs ko ngayon at kung gaano ako ka-hot, ay maglaway ka. Baka makalimutan mo bigla si Joaquin." Pagyayabang nito. Tumaas ang kilay ko dito, "That's not gonna happen—itaga mo sa bato." "Then, let's see.." Umikot lang ang mata ko at hindi na pinatulan pa pagyayabang nitong sagad sa buto. "Hehe, we have the same floor, babe.." Tumawa pa ito sa akin na akala mo'y nang-iinis matapos bumukas ang pinto. Inismiran ko lang ito't lumabas para hanapin ang room na nakalaan para sa akin. Nang makita ko ang room number ko ay lumingap ako dito at laking gulat ko nang nasa mismong tabi ko lamang pala ito ng silid. "What the—" Halos maibato ko dito hawak na key card dahil sa malawak niyang ngisi sa akin. "Hi!" aniya habang binubuksan ang pinto ng katabing suite. Naningkit ang mata ko at hindi makapaniwala sa nangyari. Ang loko na 'yon talaga! Pinasya ko nang pumasok sa sariling suite. At ninamnam ang ganda at kung gaano ka-ilegante ang ayos ng silid. Diretso ako sa may veranda kung saan abot tanaw mo lamang ang malawak na dagat ng Camotes Island. Pumikit ako’t ninamnam ang malamig at tuyong hangin na dumarampi sa aking balat. Kahit tanghaling tapat ay hindi ko alintana ang init ng araw dahil sa malamig na panahon. "Beautiful isn’t?" Mabilis akong dumilat dahil sa pamilyar na boses na nagsalita. Kuya Harold is leaning his two arms at the glass railing beside mine. Medyo nakayuko ito kaya’t bumagsak ang buhok nito sa mukha habang nakagawi ng tingin sa akin. Bahagya akong kumurap at mabilis umiwas ng tingin. His eyes, it’s kinda different today at ang weird n’ya kanina pa. "Hindi paba tayo kakain?" tanong ko. "I already ordered a food for us. Come on, jumping in.." Tumaas ang aking kilay. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. I mean, hindi ba kami mag la-lunch kasama sina Joaquin? "Huwag mo nang hintayin yung mga iyon, pare-pareho tayong pagod sa byahe kaya tiyak na nagpa-room service nalang din ang mga iyon," aniya na tila nabasa ang nasa isip ko. Wala na akong nagawa kaya lumabas na ako ng aking suite at kumatok sa pinto nito. Sayang naman kung tatanggi ako sa alok nitong lunch kaya ito kahit na medyo asar sa kanya ay kinain ko nalang ang inis ko. **** "Wow! In fairness sa suite mo huh?" Ibang iba kasi ang ayos ng silid nito kesa nang sa akin. "Sabi ko naman saiyo, dito ka nalang!" Tumabi ito ng upo sa sofa kung saan ko piniling maupo. Ngumuso ako, ayoko lang isipin ni Joaquin na may something sa amin ni Kuya Harold kaya pinili kong umiba ng silid. "Ano nalang ang iisipin sa atin ni Joaquin?" Hindi ko na napigilang sambitin. Humalakhak ito sa tabi ko, he then looked down at me. "Iyon na nga ang iniisip nila sa atin, na may something na sa atin dalawa kaya pinili niya ang silid na ito para sa atin." Hinampas ko ang balikat nito't umirap. Bwisit na 'to! Paano ko pa masusungkit ang puso ni Joaquin kung ganito na pala ang iniisip nila sa amin. "At pumayag ka naman?!" gigil kong sinabi. "I was thinking, why not? Why don't we act like one? Let's pretend that there's something going on between us? Kung talagang may lihim na pagtingin saiyo ang utol ko siguradong lalabas at lalabas din ang totoo kapag nakita nila tayong magkasama." "What? No way!" nanlalaki ang mata kong sinabi. "Bakit? Hindi naman kami nagkakalayo ng mukha ni Joaquin. ‘Di hamak na mas gwapo at mas may dating ako ‘don. Hindi ka na talo," aniya habang hinihimas ng bahagya ang baba bago sumulyap sa akin. Kumunot ang noo ko’t pinanood kung paano nito galawin ang kilay at pasadahan ng dila ang labi, maging kung paano haplosin ang ilang balahibo nito sa panga. Hindi ko mapigilang mapabuga ng tawa mismo sa harapan nito't umiling iling. "Eew! Pwede ba, ‘wag mo nang gagawin 'yan. Tumataas ang balahibo ko sa katawan oh?" Tinuro ko pa dito ang nagtindigan kong buhok sa braso. "That’s how your body reacts on me. Aminin mo na kasi, mas gwapo ako sa kapatid kong iyon." I rolled up my eyes and shook my head repeatedly. He’s delusional really! Napatili ako ng hilahin nito bigla ang aking dalawang binti at inilapag sa kaniyang mga hita. Agad naman akong sumandal sa armchair at hinayaang haplosin nito ang aking binti na parang minamasahe. Lagi niya iyong ginagawa, hindi naman ako tumatanggi dahil pabor iyon sa akin lalo ngayon dahil sa mahaba naming byahe mula Cebu patungo dito. "How about, Pauline? Anong plano mo sa kanya ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan. Sumulyap ito sa akin bago ngumisi, "Pauline is a different story. Ako na ang bahala ‘don, kayo muna ni Joaquin ang dapat kong unahin," aniya sa akin. Halata naman iniiwasan niyang pag-usapan namin si Pauline. Matagal na rin mula nang inamin n’ya noon sa akin na crush n'ya si Pauline, pero pagkatapos ‘non ay wala na itong sinabi pa tungkol sa nararamdaman n’ya para dito. Sa wakas ay dumating na ang in-order nitong food para sa aming dalawa. Malakas at masaya naming pinagsaluhan ang tanghalian na magkasama. As usual si Joaquin pa rin ang topic namin. "Grabe na busog ako!" Hinihimas ko ang tiyan habang nakahiga sa sofa. "Halata nga, halos ikaw lang ang nakaubos ng lahat ng ito." Turo niya sa walang lamang bowl ng soup at seafoods sa malaking bandehado. "Hoy, sobra ka naman! Palagay mo sa akin matakaw?" Tumingala ako dito na siyang kagagaling sa tiyak kong silid niya. Imbes na sumagot ay hinubad nito ang suot niyang T-shirt. Halos lumuwa ang mata ko sa six pack abs na bumati sa akin. Parang hindi ito kumain ng isang wutaw na kanin kanina lang. Sige ipagyabang mo pa 'yang abs mo! Irap ko bago pumikit. "I’ll take a short shower.." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil talagang mabigat na ang mata ko dala ng matinding pagod sa byahe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD