"Hello Allyson are you with me?" Napakislot ako nang tapikin ni Diane sa braso. "Yeah, ano nga ulit 'yon?" "Hay naku, kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka naman pala nakikinig. Para saan pa ang effort kong i-discuss saiyo ang napag-meeting-an namin kanina. Iyan kasi inom ka ng inom kaya tinanghali ka ng gising!" Hindi ko mapigilang mamulahan ng mukha buhat ng maalala ang nangyari kagabi at kung bakit ako na-late ngayon. "Did you really mean that?" Joaquin surprisingly asked. Kumurap ako, tila nagising sa malalim na pagkakahimbing. "No! I mean, yes.. kayong lahat, na-miss ko kayong lahat at ang bonding natin noon." Pasakalye ko. Umayos ako ng upo at nagtanggal ng bara sa lalamunan. Tumango lamang ito bilang pagsang-ayon sa aking sinabi. What the f**k, Allyson?! Muntik ka na 'don! Kung hindi lang sana ako mabilis malasing ay baka matagal ko pa itong nakakwentuhan at baka naipagtapat ko na rin dito ang nararamdaman ko. Pero panira ng moment si Kuya Harold. Walang sabi nitong hinila ang bangko ko palapit sa kanya. Nakanguso naman akong tumingala dito, "W-what the hell are you doing?!" I almost stuttering. "You're drunk, you must know your limitation, babe," he whispered right in front of my face and he pinched my chin softly. Umawang ang labi ko sa ginawa nito. Damn it, Allyson! Ano bang meron sa taong ito, bakit sobrang possesive? Wala ito sa usapan namin, ah?! Umayos ako ng upo at sumulyap kay Joaquin na nasa kanya muling cell phone ang pansin. Bantulot akong sumandal sa aking silya at pumikit. Mukhang tinatamaan na ako ng brandy. Dumilat ako't muling umusog palapit dito. "Who are you texting?" Bahagya kong sinilip ang cell phone nito na siyang hindi naman niya iniwas sa akin. I saw Pauline’s name on his phone. Magka-chat pa sila hanggang ngayon? I even saw the glimpse of her text, and she said I love you.. Hindi ko na hinintay na mabasa ang reply nito dahil umiwas na ako ng tingin. Hindi ko maipaliwanag ang kirot na bumangon dito sa puso. "Sorry," I utter lowly. "It’s okay. Paano mauuna na ako, baka gabihin ako sa daan. Thank you for the dinner, pakisabi na rin kila tita at tito, salamat," anito na isinilid na ang cell phone sa kaniyang bulsa. Gusto ko man itong pigilan ay wala akong magawa dahil hindi ko hawak ang desisyon n’ya lalo na ang puso n’ya. Mabilis akong bumalik sa realidad at inirapan si Diane, "Oo na nga! Huwag mo na akong sermonan, okay!" Inayos ko ang mga gamit ko dahil ngayon ang lakad namin patungo field para mag inspection sa lupang tatayuin ng bagong building. "Iyan ka nanaman, pasok sa tenga tapos labas sa tenga lang lahat ng sinasabi ko. Mabuti sana kung ikaw ang binubungangaan ni Mr. Reymundo e. Ako! Ako at palagi nalang ako!" Umikot ang mata ko. Wala na akong masabi sa mga pagkamatabil ng dila nito. Hindi kasi natatapos ang araw na hindi ko ito naririnig na nagrereklamo. "Sorry na, bawi ako saiyo. Libre ko, isasama ko si Kuya Harold." Umangat ang labi ko nang magliwanag ang mukha nito. Matagal na kasi nitong crush si Kuya Harold. Ilang beses ko na rin akong nag-set ng date nila pero hindi effective. I don't know why, siguro hindi si Diane ang tipo nitong babae. Pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Diane na isang araw ay may pupuntahan din ang friendship nila ni Kuya Harold. "Sus, bakit hindi agad sinabi! De sana hindi na kita binubungangaan ngayon. Sige, anong oras ba?" Inipit pa nito ang takas na buhok sa tenga bago ngumiti ng pino. Bingo! Natahimik din ang dragon! Diretso na kami sa site para sandaling mag inspeksiyon. Tama nga ang sinabi ni Joaquin magandang klase ng lupa ang napiling tayuan ng building. Ako lang naman ang mahina ang loob at pinangungunahan ng kaba dahil sa takot na akong magkamali. Ilang beses nang nangyari sa akin iyon at hindi na ako makapapayag na maulit muli. Pagkatapos namin sa site ay pinasya na namin bumalik sa opisina nang kulitin muli ako ni Diane. "Uy, anong oras daw?" Natapik ko ang noo dahil nawala sa loob kong i-text si Kuya Harold. Kagabi kasi ay lasing na lasing ito at doon ko na pinatulog sa guest room kasama nila Frank at Macky. Si Fiona naman ay sumabay na kay Joaquin pauwi. Wala pa itong paramdam sa akin maghapon which is kinda weird. Sinubukan ko itong tawagan at isang ring palang ay narinig kong sinagot na nito ang tawag. "Hi, babe! What's up?" Kumunot ang noo ko nang mapansin medyo malat ang boses nito sa kabilang linya. "Hey, are you okay?" "Of course, I am!" he just sighed after he answered. "No, you’re not. Tell me, kuya, are you sick?" May pag-aalala na sa tinig ko. "I'm fine.." sagot nito. Ang huling sagot nito ang nagkumbinse sa akin na hindi na nga ito okay. Kaya walang paalam kong pinatay ang tawag at diretsong bumaba pabalik sa sariling cubicle. "Let’s go?" tanong ni Diane na handa nang umalis at todo make-up pa. "Sorry, Diane. Pwede next time nalang may emergency kasing nangyari. Bye!" Mabilis na akong naglakad palabas ng opisina kahit pa rinig ko ang malakas nitong pagtawag sa akin. Sakay ng aking sasakyan ay humimpil ako sa isang drug store para bumili ng gamot para dito. Huminto din ako sa fast-food chain para ibili ito ng paborito niyang pizza. Wala pang kalahating oras ay narating ko na ang bahay nito. Wala doon ang kotse ni Joaquin, ibig sabihin lang walang dahilan para kabahan. Naka-ilang door bell muna ako bago ako nito pagbuksan ng gate. "Hi!" Itinaas ko dito ang mga dala kong supot. "Anong ginagawa mo dito? Ano 'yan?" he asked in a rough tone. "I brought you some foods and med, bakit ayaw mo?" Diretso na akong pumasok sa loob at nilapag sa mesita ang dalang supot. "Sino naman ang may sabi saiyo na may sakit ako?" Lumingon ako dito na ngayon ay nakapamewang ng tayo sa harapan ko wearing nothing except for the black boxer short. Hindi ko maitatanggi ang agaw pansin nitong abs at mabibilog na masel, saksi kasi ako kung paano niya pinaghirapan na magkaroon noon. Mabilis akong nagbawi ng tingin at sumalampak sa sofa bago tumingala dito. "Wala ka naman palang sakit, kaya ako nalang ang kakain nito." Sinimulan ko nang binuksan ang pizza box na dala at nilabas din sa supot ang milk tea na paborito n’ya. "Kung totoo ngang may sakit ako, sa tingin mo ba gagaling ako d'yan sa dala mo?" Walang pasabi itong tumabi sa akin at humila ng isang slice ng pizza. "Bakit sinabi ko bang para saiyo ang milk tea na dala ko?" Sumandal ako sa sofa at sinimulan iyong sipsipin. "Ang daya mo, bakit isa lang ang binili mo? At favorite ko pa talaga ha?" Sumulyap ako dito habang nasa mga labi ang straw. Tumaas ang kilay ko't kinagat ang mismong straw bago iabot dito. "Really? You want me to sip on that straw?" Nakangiwi nitong bigkas. "Bakit? Wala naman akong sakit ah?" Itinaas ko pa ang hawak na baso dito bago sumilay ang ngisi sa labi. Balak ko talagang 'wag itong painomin kaya kinagat ko ang straw, makaganti man lang sa pagsugod ko dito nang wala sa oras. Ngunit laking gulat ko nang isubo nito ang straw at walang kahirap-hirap na sinipsip ang Matcha flavored milk tea doon. "Eeww, kadiri!" Tinulak ko ito at tuluyan nang ibinigay sa kanya ang milk tea. "See? Ikaw pala ang maselan e," aniya bago sumandal sa sofa at itinuwid ang paa sa mesita. Wala na akong nagawa kundi magkasya nalang sa pizza na dala. Bumangon ako sandali para sana kumuha ng tubig sa kusina nang maagaw ng pansin ko ang lalaking pababa ng hagdanan. "Holy s**t!" Napa-atras ako sa sobrang gulat. Joaquin arch an brows at me at diretsong pumasok sa kusina. I stood still on the ground, tila nabigla sa nakita. Isang malalim na hangin ang pinuno ko sa dibdib bago pumasok sa loob. "Hi!" kaswal kong bati at diretso nga sa refrigerator. "What are you doing here?" he asked in a low tone. "Binista ko lang si Kuya, akala ko kasi may sakit. I brought some pizza, you want?" Dahan dahan akong naglakad sa drawer para humila ng baso. Nanginginig ang mga kamay ko habang palapit sa granite table kung saan ito nakaharap. "Masama nga ang pakiramdam n’ya kanina pa," aniya sa akin. Dahan-dahan akong tumingala dito at sinalubong ang mga titig nito pero ako rin mismo ang unang nagbaba. Damn! he looks so hot wearing his white T-shirt. Mukhang galing lang din ito sa kama at ngayon lang nagising. "Ah, wala kang pasok?" Iyon agad ang namutawi sa labi ko. Labis kasi akong nagtataka kung bakit siya nandirito. "Yeah, may importante kasi akong nilakad kanina." "Hmm, and where's your car?" Hindi ko na napigilan itananong. "Nasa car wash." Bahagyang umangat ang labi nito sa akin. "Ah..." Tumango tango ako. Silenced linger between us, mukhang naghihintay pa ito ng sa mga susunod kong itatanong. Hindi rin nito inaalis ang mga titig sa kin na ngayon ko lang naramdaman na ginawa n’ya. "Paano...mauna na ako, If you want some pizza..nasa salas lang kami." I stuttered. Mabilis na akong tumalikod dito bitbit ang pitcher ng tubig at baso. "What took you so long?" Naabutan ko itong nakahiga na sa sofa at yakap ang dalawang braso. I blew out a breath. Humakbang ako palapit dito matapos ay bahagyang sinalat ang noo nito. "May lagnat ka ah?" Hindi ito sumagot bagkos ay bumangon at sinimulang maglakad paakyat ng hagdanan. Mabilis kong kinuha ang gamot na binili ko sa drug store kanina at nagsalin ng tubig sa baso bago ito sundan paakyat sa kaniyang silid. Naabutan ko na itong nakabalot ng kumot habang nakahiga sa kama. "I told you, ang tigas kasi ng ulo mo e!" Tumabi ako dito at nilapag sa side table ang dalang baso at gamot. Niyugyog ko ito habang nakatalikod sa akin, "Huy, uminom ka nga ng gamot. Huwag matigas ang ulo mo!" Ngunit hindi ito gumagalaw kaya naisipan kong kilitiin ito. "Ayaw mo ha?" Alam kong malakas ang kiliti nito sa bandang leeg kaya ginawa ko ay umakyat ako sa kama para kilitiin ito. "s**t, Allyson!" Doon na ito bumalikwas ng bangon at nagtanggal ng kumot. Dahil sa ginawa nito'y muntik na akong mahulog sa kama. Kung hindi lamang niya ako nahila pabalik ay baka bumagsak na ako sa sahig. My eyes widened as I look straight to his eyes closely. Halos nakadagan na ako dito at ilang pulgada nalang ang layo ng labi namin sa isa't isa. My heart is beating fast. This beat is not familiar, iba sa kabang nararamdaman ko para kay Joaquin. It has no name and It's kinda weird. "Ally..." I automatically close my eyes as he whispered my name in a soft melancholic voice. Bigla lamang akong dumilat nang marinig ko ang paglangitngit ng pinto pabukas. Agad akong lumingon kay Joaquin na bakas ang matinding gulat sa mukha. "s**t!" Mabilis akong umalis sa ibabaw ni Kuya Harold para sana magpaliwanag ngunit nakita kong umiling iling ito bago kami talikuran. Nakagat ko ng mariin ang aking ibabang labi at pumikit. f*****g s**t! "Paano ba 'yan, bad shot ka na agad kay utol." Narinig kong sambit niya. "Just drink your med, uuwi na ako.." Tumayo na ako at walang paalam na umalis. Habang sakay ng aking sasakyan ay hindi ko mapigilang mapamura. Sinisisi ko ang sarili kung bakit ba pumunta pa ako doon at dinalan siya ng gamot? Tuloy iniisip ni Joaquin na talagang may namamagitan nga sa amin ni Kuya Harold. Paano ko ba sasabihin na walang namamagitan sa amin? Paano?