"Good news, mabuti at nagkasama kayo sa trabaho. Matagal nang hinihiling sa'kin ni Joaquin ang makipag-collaboration sa kompanya ni Harold. Mabuti ay maganda ang naging resulta," aniya sa habang lintanya. Bahagyang umawang labi ko sa nalaman. Maybe Joaquin wants to help his brother and their company as well. Ipinagsawalang kibo ko na lang iyon. "Kung ako lang kaya kong mag-hire ng mas bigating engineers, para hindi na mag-effort si utol." Biglang nagsalita si Harold na siyang mismong nasa harapan ko lang. Diretso ang tingin nito sa'kin. Seryoso at tila maraming iniisip. "Ano ka ba, Harold. Joaquin is the best among the rest. Isama mo pa si Allyson na magaling din sa larangan na iyan!" Putol dito ng kaniyang Inang si Auntie Sofia. "Basta ako, I'll go for the quantity over quality. I'm