Pumukit ako. Ayokong makita ang reaksyon ni Pauline, lalo na ni Harold. Kaya kahit pa natapos na ang tugtog ay yuko pa rin ang mga ulo ko. "Let's dance again later," aniya bago kumalas sa'kin. Imbes na magpahatid sa dating silya ay pumasok ako sa loob ng mansyon. Dumiretso ako sa may dirty kitchen para doon lumanghap ng hangin at para uminom na rin ng tubig. Saglit akong tumingala at pumikit bago sumilay ang isang matagumpay na ngiti. I don't feel any guilty at this moment. Ang isayaw ng isa Joaquin Eliseo ay isa mga nasa bucket list ko. Muli kong inayos ang sarili at bumalik sa bulwagan ngunit hindi ko na doon napansin si Joaquin maging si Pauline. Maging si Harold ay wala na rin sa dating pwesto. Gustohin mang magtanong ay tahimik na lang akong naupo sa silya at nakinig sa usapan n