"I can drink that. Lumamig na kasi itong dala ko." Tumingala ito sa'kin at ngumiti. Agad naman nagliwanag ang mukha ko at nagmamadaling lumapit dito para ilapag sa lamesa ang bitbit na kape. Saglit akong nanatiling nakatayo habang hawak naman ang sariling kape. Tumayo ito at umikot sa lamesa para harapin ako. "Upo ka, sabay natin inomin ang kape na dala mo." Natataranta naman akong tumango at wala sa loob na naupo sa silya. Tulad ko ay naupo rin ito sa harapan ko at hindi piniling bumalik sa kaniyang office chair. "How was your sleep? Hindi na ako nakapagpaalam. Sumama kasi ang pakiramdam ni Pauline kagabi." Tumiim ang mga labi ko. Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niyang dahilan. Tiyak naman na pinagtalunan nila ang pakikipagsayaw sa akin ni Joaquin kagabi. Hindi ang katulad