Malakas ang kaba ko habang naglalakad patungo sa opisina ni Harold. Nagtataka kung bakit lagi siyang nandito. at nitong mga nakaraan lingo ay laging dito na ang diretso n'ya. Hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakaling hanapin n'ya sa akin ang blue print ng bahay. Wala akong ideya kung saan iyon napunta. May kopya pa naman ako nun kaya hindi ako nababahala. Pero habang papalapit sa opisina n'ya ay mas lalong lumalakasa ang kaba sa puso ko. "Bakit ba n'ya ako pinatatawag?" Agad na tumayo ang sekretarya n'ya nang makita ako. Kumatok ito sa nakasaradong pinto ng opisina ni Harold bago iyon buksan nang maluwang. "Pasok ka," aniya. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob. Agad kong naramdaman ang malamig na hangin na tumama sa balat ko na nagmumula sa aircon. Napapikit ako nang s