"Joaquin, ikaw pala 'yan!" "Good evening po, tita." Nagpalipat-lipat muna ang tingin sa amin ni mommy bago ito ngumiti nang maluwang sa huli. "Ah, mom. Bumisita lang siya..." Bakas ang panginginig sa aking boses nang magsalita. Tumango naman si mommy sa'kin. "Halika, pasok ka hijo." Tahimik lang ako nang magtungo kami sa living room. Doon na rin dinala ni mommy ang nagawang juice ng kasambahay kasama ng pizza na dala ni Joaquin. She had a lot of question to Joaquin about their family business especially about Pauline and their soon to be wedding. Kung ano-ano rin ang tinanong niya tungkol kay Harold. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Pauline ang tungkol sa kasal. Medyo puno pa kasi ang schedule namin kaya wala pang nasisimulan na plano," aniya bago sumulyap sa akin. Agad naman ak