Bumalik na ako ng cubicle at inayos ang mga gamit. Nilapitan ako ni Amelia at inusisa ang nangyari sa akin kahapon. "Talaga ba? Eh, bakit balita ko pinagalitan ka ni Harold dahil ang irresponsable mo. Balita ko rin ay ililipat ka ng bagong department. How sad?" aniya bago ngumisi sa akin. "Saan mo nasagap ang maling balita na 'yan, aber?!" Singit ni Dahlia sa usapan. "Basta narinig ko lang sa kabilang department." Tumaas pa ang kilay nito kay Dahlia. "Alam mo ikaw ang tsismosa mo!" "Sus parang ikaw hindi, d'yan na nga kayo!" Tumalikod na ito sa amin at bumalik sa sarili niyang cubicle. Umiiling na inayos kong muli ang aking mga gamit. Hindi ko mapigilang isipin ang sinabing iyon ni Amelia. Baka nga may posibilidad na malipat ako. Una, nang tangkain kong tanggihan ang project na inaal