Kabanata 43 Sunday Kinabukasan ng Linggo ay maaga ako nagising. Naabutan ko na si Mom na nagbe-bake ng cake at cookies. "What is special today?" tanong ko nang maka-upo sa may komedor. "Diba ngayon bibisita si Gion? That is why I bake a cake for him. Umikot ang maga mata ko. Paano naman niya nalaman ang bagay na 'yon? Muling umikot ang mga mata ko. Oo nga pala magkasanggang dikit sila ng mommy ni Gion. "Mamayang hapon pa 'yon, hindi pa sigurado dahil may meeting pa daw siya." Kibit balikat ko. "Atleast naka ready na ang miryenda n'yo!" Umiling ako dito. "Saan si Dad?" Pag-iiba ko sa usapan. "Kasama nang mang Uncle Josh mo nag-golf." Tumango ako. Tinuloy ko na ang pagkain at muling umakyat sa aking silid pagkatapos para taposin na ang bagong design ng bahay ni Harold. Sumasakit na