Kabanata 44 Palawan Lunes ng umaga nang dumiretso ako sa opisina ni Harold para ibigay dito ang bagong blue print ng bahay. Pero dahil maaga itong nasa meeting ay kinailangan kong maghintay sa kanya. Pinapasok naman ako ng kaniyang sekretarya at inalok pa ng kape na mabilis din niyang dinulog sa'kin, "Patapos na rin ang meeting ni sir, hintayin n'yo na ho," aniya matapos ay ngumiti sa'kin. "Salamat dito sa kape." Ngumiti itong muli sa'kin bago lumabas ng opisina ni Harold. Hinigop ko naman agad ang kape na dala n'ya at sumandal ng upo sa couch. Doon naman bumukas ang pinto ng opisina ni Harold na siya kong nilingon. Hawak nito sa kaniyang taenga ang cellphone at tila nakikipagtalo sa kausap. Diretso ito sa kaniyang lamesa at humarap sa glass window. Lumunok ako habang hihintay ito